3.14.2012

The Many Faces of the Teacher 2012

It's time to pay tribute  to the living heroes of today.  Let's make it happen!

Call for nomination 2010 campaign

Do you know of any teacher who extols exemplary virtues? 
 The Award winning Bato Balani Foundation Inc (BBFI) in cooperation with Diwa Learning Systems once again open their search for inspiring teachers with the Many Faces of the Teacher program.

The Many Faces of the Teacher searches for role models in the teaching profession who can inspire their fellow educators to excellence.  The program seeks to recognize teachers not just for their skills and dedication to their craft, but also for their efforts in making a difference in the lives of their students and communities as well.
By discovering these educators and honoring them, The Many Faces of the Teacher aims to make every Filipino aware of the valuable contribution of the teaching professions to society, thereby encouraging every Filipino mentor to achieve excellence in teaching.
The search is open to teachers of all ages who are actively teaching in private or public primary, elementary or secondary schools, colleges, and universities.  He or she must demonstrate exceptional performance in teaching; have employed creativity, innovation, and resourcefulness in teaching; and have exemplary values as applied in teaching, family, and personal life.  The nominee should also have a deep sense of nationalism and be committed to teaching for the benefit of the country and its people. 
Partner organizations such as school associations, religious organizations, Department of Education, and school heads, students, and teachers can nominate.
Nominees will be evaluated on the basis of their integrity and morality; relationships with students, colleagues, community members, and family; commitment and dedication to the teaching vocation; strength of values/principles applied in teaching and personal life and involvement in school and community activities.
2009 Tribute to Teacher at the SMX Convention Center
To nominate, log on to http://www.tributetoteachers.batobalani.com to secure a nomination form or visit BBFI office at 6/F PDCP Bank Centere, V.A. Rufino cor. Leviste Streets, Salcedo Village, 1227 Makati City. Nomination form may be sent to bbfi@diwamail.com or to fax number 892-9543 or via regular mail to Bato Balani office.  Schools may also coordinate with the Diwa Learning Systems Specialists (LSS) assigned to them.
Deadline for submission of nominations is May 15, 2012.
For more information, call 8925462 or email bbfi@diwamail.com.


Featured Story

Ms. Jenelyn Baylon
2008 Department of Education Most Outstanding Mobile Teacher
2008 The Many Faces of the Teacher honoree

Magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po ay isa sa kumakatawan sa mga guro. Noong nakaraang taon po ay isa akosa pinarangalan ng Bato Balani Foundation. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo. Saludo po ako sa inyong lahat, maraming maraming salamat po. Ang parangal kong ito ay di lang para sa mga guro at para sa inyong lahat.



Sa pagiging mobile teacher, hindi po mga bata ang aming tinuturuan. Wala din po kaming sariling paaralan , at hindi po kami sa loob ng school compound. Kami po ay nagba-byahe mula sa aming bahay patungo sa lugar kung saan ang edukasyon ay hindi nakakaabot. Kami po ay tulad ng mga sundalo na ang pinaglalaban ay ang karapatan ng bawat mamamayan para sa edukasyon. Sa bawat pag-andar ng motorsiklo na kung makikita nyo po ngayon ay luma na, hindi na na-cha-change oil kasi nga teacher. Sa bawat pag-andar po, nun, sa bawat paghakbang ko mula sa aming bahay, sa bawat paglalakad sa kabukiran, pag-akyat sa bundok, nandun po yung takot na possible na hindi na ako makabalik sa bahay. Nandyan po ung pamilya ko na laging kong naiiwan dahil ang trabaho ko po, hindi po ako nagdidikta ng oras kung kailan kami mag-aaral at kung saan kami mag-aaral.
Ang pagiging guro po ay madaling pangarapin. Nung bata tayong mga guro, gusto maging teacher kasi gusto magturo.Madali pong sabihin at madaling makamit kung ikaw ay may pera, pero kapag guro ka na napakahirap pala magturo. Ang pagiging guro po ay hindi lamang pagbibigay ng kaalaman sa bawat bata. Kailangan po muna nating alamin, ang buhay ng bawat guro, alamin kung ano ang tungkulin, mahalin ang pagiging guro, at bago mo yon maibahagi sa iyong kapwa. Ibat-ibang klaseng po ng mag-aaral na meron kami katulad po ninyo sa isang paaralan ay maaring 30 o kaya ay 20 posible din po na 45. Ang kaibahan namin, ang tinuturuan po namin ay mga kabataang walang pera para mag-aral sa loob ng paaralan, mga matatanda na hindi marunong magsulat ng pangalan. Nakakalungkot pong isipin, sa amin pong paglalakbay patungo sa kabundukan, bagamat po mapalad po iba dito meron nasasakyan papunta sa kanilang paaralan, nakakapagod po minsan kasi isipin mo bakit ako naglalakad ng ganito kalayo. Bakit parang mali yung ginagawa ko, nag-aral ako ng ganito kahabang taon pero bakit naghihirap ako sa ginagawa ko?
Minsan po may pumapasok, pero kapag nakikita ko po ang mga katutubong Mangyan, isa po sa kanila isa po kanila ung 70 years old 2. Dalawang linggo po ako di nakapagturo sa kanila at sa pagbalik po ay sinabi po sa akin, ’Ma’am huwag wag ka namang a-absent.’ Opo, sinabi nya iyon. ’Kasi alam mo Ma’am, isa lamang layunin sa buhay, bago mamatay matuto akong maisulat ang aking pangalan.’
Nakakalungkot pong isipin, karapatan po ng bawat isa ang edukasyon, pero kami po, isa po ako, kaming mga guro, sabi nga nila lahat ng mga problema sa paaralan sa iyo ibabato. Kapag kulang ang mga aklat pa-photocopy para bigyan mo yung iba.
Alam po nyo sa amin kahirapan ang kalaban sa amin. Paano po namin mapipilit ang isang mag aaral na pumasok sa aming paaralan o dun sa barangay hall, gayon kumakalam ang kanyang sikmura. Paano po ang matandang nanay na may limang anak ay kukuha ng kaunting oras, sa siksiksikan na nyang kanyang schedule, para ilaan sa amin para siya ay mag-aaral.
Saludo po ako sa lahat ng guro dito. Meron po tayong iba’t ibang hinaharap na problema, iba pong sacripisyo nyo, bba po ang sacripisyo sa amin. Pero masarap po ang maging guro. Tama po ba? Alam po nyo ung isang bata na matulungan natin, ang katumbas niyan isang angkan na. Dahil kapag ang batang iyan, nalaman niya ang tama, yung tama talaga sa mali, lahat po yan, sa buong pamilya nya ay pwede nyang pangaralan.
Marami pong kwento na maaring, hindi po madaling sabihin,o kaya naman magiging napakahaba, kung aking iisa-isahin. Ang pakikipgalaban po nating mga guro para mabigyan lahat ng bata ng tamang edukasyon, kulang man ang silya, kulang man ang aklat, at sabihin na natin na, ung salary, isa po ung punto. Pero sa kabila po ng determinasyon natin na bigyan sila ng kalidad na edukasyon sa anumang paraan na makakaya nati.
Meron po kaming isang estudyante, sabihin na natin na hindi tanggapin sa lahat ng ng paaralan sa mindoro. Ang Mindoro po ay ay may 18 districts, lahat po un ay nadala na siya ng kanyang nanay. At lagi pong bumabalik at kasi nag aaway, basagulero. Second year high school po siya at 25 years old. Lumapit po sa akin ang nanay sa akin at sinabi, ’Ma’am, wala na po akong paaralang makita na tatanggap sa kanya.’ Nung panahon pong yon ay pareho kami ng edad. Iniisip ko na paano kaya ako magiging instrumento para magbago siya.
Yun po ung pinakamabigat sa isang teacher. Hindi kasi ito pagganap lamang sa tungkulin na na magturo ka ng pagbasa, pagsulat, pagbilang. Kailangan pasukin mo ang utak niya, manaig ka sa puso. Doon ka magtanim, doon ka magtanim ng magadang punla para bumunga. At hindi mo na uulit-ulitin ang pangaral mo araw-araw kasi nakatanim na iyon.
Ang bata pong ito ay pinakuha po namin ng exam, at sa unang pagkakataon, tuwang tuwa po ang kanyang magulang. Sa tuwa po niya ang nag-alaga na siya ng kambing bilang paghahanda sa kanyang darating na pagpasa. Sapagkat sinasabi ng bata ’Kaya ko pala, kayang kaya ko.’ Dumating po ang exam at dumating po ang resulta, pero hindi sya pinalad makapasa. Ibig pong sabihin nanganak na ang kambing, sa pangalawa pong pagkakataon, pinakuha ko uli sya ng exam. Hindi ko alam kung paano, basta sinasabi ko sa kanya ang huling ginto na pwede mong pulutin para ikaw ay yumaman ay edukasyon, ngayon kung ayaw mong ngayon ang pagyaman ay iwanan mo ako. Iwanan mo ang tulong na ibibigay sa iyo.
Kumuha po uli sya, ang kambing ay nanganak na, kumuha uli sya ng exam, malaki na ang kambing, pero bagsak uli siya. Nakakalungkot po pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Sa ikatlong pagkakataon, 3 na ang kambing nya. Kasi po iyon po ay isang tao bago ulit bago mag-exam. Pagkapanganak ng kambing kasabay noon ay pagdiriwang. Kasi po sa pangatlong pagkakataon ay siya ay nakapasa. Ang bata pong ito ay kilalang kilala sa kanilang komunidad hindi dahil masipag siyang magtanim ng puno, kundi dahil lagi siyang napaparusahan na magtanim ng puno. At nang makapasa po yung bata, sinabi niya sa akin, ‘Ma’am punta ka samin, kakatayin na ang tatlong kabing. Tuwang tuwa po siya dahil ang daming mapapakain ng tatlong kambing. At sinabi ko sa kanya na ang kambing na iyan ay nanganak para sa kinabukasan mo, hindi para sa amin. Ang ginawa po niya sa kambing na iyo ay pinagbili at nag-aral po siya sa TESDA. At nung nakapag-aral po siya, nag-undergo ng training, nag-apply at sa ngayon po siya ay nasa Saudi. Nakakatuwa pong isipin, siya po ay isang tambay na kinakawayan lang isang kaibigan niya at tinatanong siya, ‘pare anong lakad natin mamaya?’ Parang ganun ang pananaw sa kanya. Pero nang dahil po sa pagtatanim ng binhi sa kanyang puso, hindi man makita sa panlabas na anyo niya, sumibol iyon. At ngayon po siya ay nasa Saudi. At alam nyo po ba, yung drinowing niya, sinabi ko sa kanya iguhit mo ang lahat ng iyong pangarap, imposible man sa isip mo, gawin mo. Ngayon po nakakamit na niya ang lahat.
Ang sinasabi ko lang po dito ay tayong mga guro ay hindi lamang tayo pumupunta sa paaralan para antayin ang katapusan. Kasi po nandyan na yung mga maniningil, tama po ba? Sa akin po ang isang guro ay nanatili syang mahirap nakakapapayaman po. Mahirap man po ang tungkulin natin, lalo na po kaming mobile teacher. Ang anak ko po ay apat na taon na, isinasama ko po siya tuwing may gathering, kasi ako minsan dun natutulog sa kabundukan kasama ng mga katutubo para lamang malaman nila na hindi natin pinagkakait ang edukasyon. Ang edukasyon po ay karapatan ng bawat isa. At ang instrumento po ng Panginoon para magkaroon sila nun ay tayong nga guro. Mahirap na tungkunlin pero sabi nga, iyan ang pinili natin at diyan tayo inilagay ng Panginoon. Isipin lang po natin na isang ngipin ng isang bata o gaano man siya kakulit, magbabago sya na dahil sayo. Magiging simula ya ng pagbabago sapagakat po ang iyong tinanim ang sya nyo pong aanihin. Pero ang pag-ani po nito ay hindi ganun kadali. Kailangan meron tayong pataba, pataba sa utak, pataba sa puso, sa kilos, sa gawa lahat po yun. Hindi natin mabubuo ang isang bata na utak lang ang dinedevelop sa kanya.
Sa aking po, unahin mo ang puso. Kapag nagising ang puso, hindi mo na kailangang sabihin sa kanya na mag-aral ka ng multiplication, na magaral ka ng ganito. Ang mga tinuturuan ko po ay matanda pa sa akin, 40 years old, 50 years old, na gusto nilang makapag-abroad. Na ang palagi nilang sinasabi sa akin ay, ‘Ma’am kayo po ang pag-asa namin para kami’y makaahon sa hirap.’ Pero hindi ko sinasabi sa kanila na, kuya, manong, pareho lang tayong mahirap. Pag harap ko po sa kanila ako’y astig na astig, na akala mo may pera din ako. Minsan kapag nagbibilang sila ng pera sinasabi ko, ‘mas marami yung sa kanila kaysa sa akin.’
Pero Ok lang, kasi ang naibibigay nating mga guro sa kanila ay walang katumbas na pera, pera po ang aanihin nila dun. Sa lahat po ng mga guro dito maraming maraming salamat po sa inyong lahat, dahil kung hindi po ako tinuruang mabuti noong ako’y bata pa, wala ako dito. At marahil po kung hindi rin naitanim sa aking puso, unang una ng aking nanay at tatay, at ng lahat ng teacher ko. Hindi po ako kabaitan noon, nagbabali rin po ako ng silya. Pero ewan ko po, tinamaan din po ako at medyo nagtino. Kaya nga po sinasabi ko lagi, mahirap maging teacher dahil kaagaw na iyan ng pamilya mo. Ang oras mo ay hahatiin mo nang tamang tama. Ang sarili mo ay hahatiin mo bilang tagapayo, bilang nanay, bilang kapatid. Pero sa kabila po noon, napakapalad natin. Kasi nga, hindi ibibigay ng Diyos sa iyo ang anumang bagay nang hindi mo kakayanin. Kaya nga po ang laging sinasabi ko sa mga estudyante ko, ‘Sino sa inyo ang may may tatlong problema?’ ‘Ma’am higit pa po diyan kasi kasama ung asawa.’ Sino sa inyo ang naging proud dahil may problema. Sino po dito ang naging proud dahil may problema siya? Mahirap tumaas ano?
Ang punto po natin doon, ang problema ay binibigay sa iyo dahil naniniwala Siya na kaya mo. Eh tambak na po ang problema ko, ang sabi ko kay Bro, baka naman napakalaki naman ang tiwala mo sakin, baka medyo paki bawas-bawasan po,
Kaya sana po tayo pong mga teacher sa kabila ng lahat nating hinihiling, mas malaking ibibigay ang Diyos. Dahil ang lahat po ng estudyante dumaan sa ating mga kamay at malilisik na mata, kasi nga di mo makurit ay di ka mililimutan. Tayo po ay bahagi ng anumang tagumay na magkakaroon sila. Kaya nga po sa ngayon ay marami na po akong estudyanteng nasa abroad, limpak limpak na salapi po ang nasa sa kanila, ako wala pa rin. Nakakalungkot pong isipin, yumayaman na sila, ay masaya pala yun. Ang nakakalungkot nanatili pa rin po akong mahirap.
Pero sa kabila po nun, masaya akong nanatili po akong isang guro dahil po ito ay hindi isang propesyon, ito po ay isang misyon. At nagpapasalamat po ako, tayong lahat po dapat magpasalamat sapagkat tayo ay napakapalad na pinili Niya para sa misyong ito. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Saludo po ako sa inyong lahat. Sana po ay pagpatuloy po natin ang pagiging teacher, hayaan nyo po baka tumaas din yan, ipagdasal natin. Maraming salamat salamat po.





No comments:

Post a Comment

Blog Archive

Followers